Senador JV Ejercito, umaapila sa gobyerno na isulong na ang kaso laban sa Sanofi Pasteur
Hinimok ni Senador JV Ejecito ang gobyerno na ipursige na ang kaso laban sa manufacturer ng Dengvaxia vaccine na Sanofi Pasteur.
Ayon kay Ejercito, chairman ng Senate committee on Health, layon nitong makatiyak na may makukuhang indemnity fund para sa mga batang nagkakasakit o naospital matapos turukan ng bakuna.
Naghain na si Ejercito ng Dengvaxia Assistance Program Bill na layong mag-monitor at tugunan ang problema sa kalusugan ng mga naging biktima.
Kumbinsido rin si Ejercito na may pananagutan si dating Pangulong Benigno Aquino sa Kaos.
Dapat bilang pangulo naging maingat aniya ito at hindi agad pinayagan sina dating Health secretary Janet Garin at Budget secretary Florencio Abad na bumili ng bakuna hangga’t walang clearance mula sa mga eksperto.
Senador JV:
“Legal action should also be taken by the Philippine government against SANOFI towards the establishment of an indemnity fund for children who were vaccinated to provide them with financial assistance for medical care throughout their lifetimes. I believe that while former President Benigno Aquino III is guilty of negligence for not exercising due diligence, it is his two Cabinet members who should be primarily held liable for the Dengvaxia mess that has endangered the lives of almost 1 million children”.
Ulat ni Meanne Corvera