Impeachment Trial magiging prayoridad ng Kongreso sa pagbabalik ng sesyon nito

Magiging prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ng sesyon nito ang Plenary votes para Impeachment trial laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa panayam kay Justice House Committee Chairman at Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, gagawin nila ito hindi dahil sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na bilisan na ang proseso ng Impeachment trial para sa punong mahistrado kundi dahil ito ang isa sa priority agenda ng House of Representatives.

Matatandaang nagalit ang Pangulo kay Sereno dahil sa akusasyong siya ang pasimuno ng pagsusulong ng Quo Warranto case at Impeachment laban dito.

Kasama rin aniya sa pagbobotohan ng plenaryo ay ang mga magsisilbing prosecutors sa nasabing paglilitis.

“Napagbotohan na po namin yan sa Komite, nasa Rules Committee na ngayon. It’s all over except the voting of the Plenary to formally impeach in a matter of time kaya wag na nilang painitin ang isyu para dumaloy na tayo sa tamang proseso”.

Ipinaliwanag din ni Cong. Umali na hindi naman magkakaroon ng overlapping sakaling magsabay ang Quo waranto case at Impeachment trial laban sa Punong Mahistrado.

Magkaiba naman aniya ang saklaw ng mga kasong inihain.

 

===============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *