Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko sa Facebook data breach

Tiniyak ng Malacañang na may batas sa Pilipinas at mga patakaran para protektahan ang “privacy” ng mga mamamayan.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag sa gitna ng nangyaring data breach sa Facebook kung saan sinasabing 87 million users ang naapektuhan na kinabibilangan ng mahigit isang milyon galing sa Pilipinas.

Maging ang founder mismo ng Facebook na si Mark Zuckerberg ay inaming napasok ng Cambridge Analytica at nanakaw ang kanyang data o mga personal information.

Sinabi ni Roque kabilang sa ipinatutupad ng Pilipinas laban sa data breach ang Privacy Act kung saan mismong si dating Comelec chairman Andres Bautista ang nasampolan ng kaso dahil sa pagkakanakaw ng mga voters information sa kanilang website.

Ayon kay Secretary Roque patunay ito na seryoso ang pamahalaan sa proteksyon ng mga data o impormasyon ng mga mamamayan na maaring magamit ng mga sindikato sa iligal na gawain.

Pinawi naman ni Roque ang pangamba ng mga Pilipino dahil bagama’t mahigit isang milyong Filipino Facebook users ang nabiktima ng data breach hindi naman sa Pilipinas nangyari ang insidente.

“We have our Domestic law, Privacy act and we will enforce that act. Now the data breach as far as we know did not occur in the Philippines. So but we have taken steps as you know, no less than a Chairman of Commission on Elections has a pending case now before the prosecutor’s office for breach of the Privacy act, for not safeguarding the data of voters in the Philippines”.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *