14, patay sa Taliban attack sa Afghanistan

 

Labing-apat (14) katao ang  patay  sa pag-aatake ng mga Taliban sa Ghazni province sa Afghanistan.

Kabilang sa napatay  ang District Governor ng Khwaja Omari district.

Sinabi ni Mohammad Arif Noori, tagapagsalita ng Ghazni provincial governor, nilusob ng mga Taliban ang Police headquarters sa Khwaja Omari district.

Tumagal ng tatlong oras ang labanan hanggang makatakas ang mga Militant group.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *