Mga Senador nakatakdang pumirma sa Committee report sa Dengvaxia sa nagrerekomenda ng kaso laban kay dating Pangulong Aquino

Kumpyansa si senador Richard Gordon na malalagdaan na ngayong araw ng sampung Senador ang committee report kaugnay ng ginawang imbestigasyon ng Senado sa anomalya sa pagbili ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Nauna na aniyang lumagda sa report sina Senate majority leader Vicente Sotto, senators JV Ejercito, Gregorio Honasan at Senator Juan Miguel Zubiri.

Kabilang aniya sa nagbigay ng commitment na lumagda sa report si Senate pro-tempore Ralph Recto.

Nauna nang nagpahayag ng kanilang pagtutol sina Senators Ping Lacson at Antonio Trillanes sa report ng Senado partikular na ang rekomendasyon na makasuhan si dating Pangulong Noynoy Aquino ng graft.

Depensa ng mga senador nagbigay lang ng go signal ang dating pangulo batay sa rekomendasyon ng Department of Health para mapigilan ang pagkalat ng dengue.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *