Dating DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, itinangging may kinalaman siya sa shredding o pagsira ng mga dokumento ilang araw bago siya magbitiw sa puwesto

Umalma si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa isyu ng shredded documents o pagsira ng mga dokumento sa mga huling araw niya bilang kalihim.

Sa isang statement, itinanggi ni Aguirre na may kinalaman siya kung nangyari man ang pagsira sa mga dokumento sa kanyang tanggapan bago siya magbitiw.

Tinawag pa ni Aguirre na Irresponsible Journalism ang paglalagay ng mga malisyosong paratang sa nasabing hakbang.

Kung totoo man anya ito ay wala rin nakikitang mali si Aguirre sa shredding ng mga dokumento lalo na kapag itinuturing na itong basura.

Maaring ginawa anya ito para maihanda ang opisina para sa susunod na Justice Secretary o alisin ang mga hindi na kinakailangang dokumento.

Katwiran pa ni Aguirre  ginagawa naman ng regular ang paper shredding sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Kaugnay nito, inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kanyang papaimbestigahan ang nasabing ulat.

Aalamin ni guevarra kung sino ang nagbigay ng kautusan na sirain ang mga dokumento at kung anu ano ang mga ito.

Tatanungin din ng bagong kalihim si Aguirre ukol sa isyu.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *