Paglaban ng DOJ laban sa mga Drug pushers at terorista, hindi hihina sa pamumuno ng bagong kalihim ng kagawaran
Bagamat nag-aaral pa lang sa kaniyang trabaho, tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na walang panghihina sa mga hakbang ng DOJ sa paghabol sa mga drug pushers at terorista.
Ayon kay Guevarra, ipupursige niya ang nasabing mandato at utos sa kanya ni Pangulong Duterte nang siya ay manumpa sa puwesto.
Gaya ng mga bago sa trabaho, nais ni Guevarra malaman ang lahat ukol sa DOJ.
Sa ganitong paraan aniya ay mas epektibong mapapangasiwaan at matutugunan ang mga concern o isyu ng bawat tanggapan sa kagawaran.
Batay sa serye ng pakikipagpulong ni Guevarra sa bawat ahensya o tanggapan sa ilalim ng DOJ sa unang linggo niya bilang kalihim, ay may kani-kanila itong mga hamon.
Nakatakda namang makipagpulong si Guevarra sa mga pamunuan ng DOJ attached agencies at field offices ng National Prosecution Service.
Ulat ni Moira Encina