Pagbiyahe sa mga balota para sa Brgy at SK elections, sisimulan na sa April 25

Uumpisahan na ng Commission on Elections o Comelec na ibiyahe sa susunod na linggo ang mga balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa May 14.

Bukod sa official ballots, nakatakda na ring ibiyahe sa April 25 ang mga election returns, canvassing form at indelible ink.

Batay sa notice na ipinalabas ng COMELEC na pirmado ni Director Hernan Thaddeus, hepe ng Packing and Shipping Committee,  unahing ibiyahe ang mga accountable form sa ARMM, Region 8, Region 2 at Batanes.

Ibibiyahe rin ngayong buwan ang mga accountable form para sa Region 11, 12, 9, 10, 8 at 6.

Sa unang linggo  ng Mayo naman ibibiyahe ang para sa Cordillera Administrative Region, Region 2, 4-A, 4-B, 7, 5, 1 at 3.

Naka-iskedyul naman sa May 8 hanggang May 9 ang paghatid sa mga election form sa NCR.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *