Restaurant sa Brooklyn, New York na puro Avocado dishes ang inihahain
Ang Avocaderia, na nagbukas noong April 2017 ay naging usap-usapan dahil sa kanilang extensive avocado offerings.
Kasama sa menu ng avocaderia na sinasabing ‘The world’s first avocado bar’, ang Avocado salads, Avocado smoothies, Avocado bowls, at Avocado toasts.
Ayon sa website ng restaurant, ang ginagamit lang nilang uri ng avocado ay ang equal exchange organic hass avocado, na inaalagaan sa Michoacan, na isa sa mga estado ng Mexico.
Ang kanilang mga menu ay na-impluwensyahan ng Mexican, Japanese, Egyptian, at iba pang cuisine.
Si Francesco Brachetti, na lumaki sa Florence, Italy at isa sa nagmamay-ari sa Avocaderia, kasama nina Alberto Gramini at Alessandro Biggi ay aminadong ni minsan ay hindi pa siya nakakain ng avocado, dahil wala nito sa kanilang lugar.
Kaya’t nang matikman niya ito sa kauna-unahang pagkakataon nang siya ay mapadpad sa Mexico, ay agad niya itong kinagiliwan at naisipan ngang magtayo ng isang restaurant na dedicated lamang sa mga pagkaing may sangkap na avocado.
===============