Lalaking stork na nagta-travel ng 14,000 kilometer kada taon para makapiling ang kaniyang handicapped mate

Ang lalaking stork  o tagak na nagta-travel ng 14,000-kilometer kada taon para makapiling ang kaniyang handicaped mate.

Sa nakalipas na 16-na taon, 14-na libong kilometro ang nililipad ng isang male stork  mula sa South Africa, para lamang makapiling ang kaniyang handicapped mate na nasa isang maliit na village sa Croatia, Europe, dahil hindi ito pwedeng lumipad dahil sa kaniyang gunshot wound.

Ang amazing love story ni Klepetan at Malena ay naging dahilan para maging celebrities sa Croatia ang dalawang storks.

Tuwing Marso ay bumabalik si Klepetan , sa village ng Broddski Varos kung saan naghihintay si Malena dahil ito ang kanilang mating season, at kada taon ay nagkakaroon sila ng mga babies, na tinuturuan muna ni Klepetan na lumipad bago ito  bumalik sa South Africa.

Si Malena ay kinupkop ng 71-anyos na si Stjepan Vokic, isang local school caretaker, matapos niya itong matagpuang may sugat malapit sa isang pond.

Ngunit kahit napagaling niya ito ay hindi na ulit maaaring makalipad ang female stork.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *