Mga sinirang dokumento ng tanggapan ni dating Justice Secretary Aguirre, hindi mahahalaga batay sa inisyal na imbestigasyon ng DOJ
Pawang mga basura at hindi mahahalagang papeles ang sinira ng tanggapan ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ilang araw bago ito magbitiw sa puwesto.
Ayon kay bagong Justice secretary Menardo Guevarra, ito ay batay sa pauna nilang imbestigasyon sa isyu ng shredded documents.
Wala anyang kasamang case files o official documents na nawawala o pinag-gupit-gupit.
Nabatid anya na mga drafts, duplicate copies, imbitasyon, magasin at mga katulad na papeles at dokumento ang na-dispose.
Pero nilinaw ng kalihim na nagpapatuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon ukol dito.
Una nang itinanggi ni Aguirre na may kinalaman siya sa shredding ng mga dokumento ng kanyang opisina.
Ulat ni Moira Encina