Alternative Health care, nakatutulong upang lunasan ang maraming uri ng karamdaman- ayon sa mga eksperto

Mahal ang gamot at pagpapagamot….. ito ang madalas na marinig lalung-lalu na sa panig ng mga kababayan nating walang kakayanan na bumili ng gamot upang lunasan ang kanilang karamdaman.

Ang iba, sinusubukang gumamit ng alternative medicine o halamang gamot.

Matatandaang inilunsad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Republic Act 8423 o ang Traditional and Alternative Medicine Act noong  1997.

Ito ang  naging daan upang itatag  ng Philippine Institute of  Traditional  and Alternative Health care  na dito ay pinalalakas ang paggamit ng  tradisyunal at alternatibong  pamamaraang medikal  sa pamamagitan ng research o pananaliksik  at masinsinang product development.

Ayon kay  Dra. Imelda Edodollon, Medical Director ng Holistic Integrative Care Center o HICC,  mainam ang paggamit ng halamang  gamot.

Binibigyang diin ng mga eksperto na  kailangang matiyak na tama ang preparasyon at paghahanda ng mga halamang gamot bago ito gamitin dahil kung hindi— maaari itong makapinsala ng kalusugan.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *