Diplomatic protest ng Kuwait laban sa Pilipinas, hinilot na ni Pangulong Duterte
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang gumawa ng paraan kung papaano mareresolba ang reklamo ng Kuwaiti government laban sa Pilipinas kaugnay ng ginawang pag-rescue ng mga embassy officials sa mga distressed Overseas Filipino Workers o OFWS sa bansang Kuwait.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naging positibo ang pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa Kuwaiti Ambassador sa Pilipinas.
Ayon kay Roque nangako ang Kuwaiti Ambassador kay Pangulong Duterte na mananatiling matatag ang bilateral relations ng Pilipinas at Kuwait sa kabila ng gusot na nangyayari sa mga OFWS.
Inihayag ni Roque na nakarating na sa Malakanyang ang report na mayroong apat na pinoy na pawang mga driver na ginamit sa rescue operations ang inaresto ng Kuwaiti authorities.
Naniniwala si Roque na sa pamamagitan ng diplomatic process ay maaayos ang problema sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Ulat ni Vic Somintac