Senador Lacson, hinamon ang DILG na magsagawa ng Counter-Intelligence sa bentahan ng ID sa Boracay
Hinamon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang Department of Interior and Local Government o DILG na magsagawa ng entrapment operations laban sa mga lokal na opisyal na nagbebenta ng ID para makapasok sa Boracay ang mga empleyado ng ibat-ibang resort doon.
Iginiit ni Lacson na hindi tsismis ang kaniyang alegasyon na umaabot sa mahigit 400,000 piso ang sinisingil ng mga LGU’s kapalit ng ID.
Katunayan, ang impormasyon aniya ay ibinigay ng isa sa kaniyang mga kaibigang negosyante na nag-ooperate sa Boracay pero siningil sya ng 400,000 piso para sa umano sa lahat ng kaniyang mga empleyado.
Sinabi ni Lacson na dapat matigil na ang kalokohan ng mga local government officials na sinasamantala ang pagpapasara sa Boracay para kumita.
Nauna nang ibinunyag ni Lacson na ginawa na rin umanong negosyo ng mga LGU’s ang Boracay issue para pagkakitaan na hinihinalang gagamitin sa kanilang pangangampanya para sa Barangay at SK Elections sa May 14.
Sen. Lacson :
“My information is not based on hearsay. Rather it was an account of spontaneous reaction by a friend of mine who was being told that he should cough up 400,000 pesos for ID’s that he was requesting for his staff and employees who are based and housed in Boracay. I thought it wise to expose with an advise to DILG to set up entrapment operations”.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: