MMDA ,magpapatupad ng rerouting sa Pasay City at Manila para sa Worldwide Walk ng Iglesia Ni Cristo sa May 6.
Kasado na ang traffic management plan ng MMDA para worldwide walk to fight poverty ng Iglesia Ni Cristo na gaganapin sa Mayo 6.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, eksakto alas dose uno ng hating gabi sa May 6, araw ng linggo ay isasara na sa trapiko ang ilang kalsada sa Maynila at Pasay City na magtatagal hangang alas dies ng gabi.
Kabilang sa mga isasara ang kabahaan ng Roxas Bvld mula Buendia hanggang Padre Burgos.
Isasara rin ang mga kalsada sa paligid ng CCP complex, Taft-Buendia at ilang bahagi ng Road 10 sa Maynila.
Aabot naman sa dalawangdaang tauhan ng MMDA ang nakatakdang ipakalat sa naturang mga lugar para umalalay sa mga motorista.
Magdedeploy rin ang MMDA ng mga ambulansya at magpapakalat ng mga portalet para sa mga sasama sa aktibidad.
Ayon sa MMDA, inaasahan na aabot sa mahigit isang milyong indibidwal ang makikiisa sa naturang aktibidad sa pangunguna ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Metro Manila at mga karatig lalawigan
Kaya naman paalala ng MMDA sa publiko, kung walang mahalagang pupuntahan sa nabanggit na mga lugar ay mas mainam na manatili na lang sa bahay upang makaiwas sa trapik.
Samantala, para makabawas sa trapik, may mga lugar na na inarkila ang Iglesia Ni Cristo para magsilbing parking area.
Nag abiso rin ang INC na gagamitin nila ang MRT at LRT para makabawas sa volume ng sasakyan.
Halimbawa yung maggagaling sa Quezon City, sa mismong mga kapilya na ng INC na malapit sa istasyon ng tren igagarahe ang mga sasakyan at sasakay nalang sila ng MRT patungong Taft Avenue.
ulat ni Mar Gabriel