DepEd, handang ipatupad sa mga paaralan ang National writing system sakaling maisabatas na ito

 

Nakahanda ang mga guro na pag-aralan ang sinaunang alpabetong Filipino na “Baybayin” sakaling maisabatas na ang isinusulong na National Writing system Act na inakda ni 2nd District Pangasinan Representative Leopoldo Bataoil.

Sa panayam, sinabi ni Department of Education o DepEd Undersecretary Tonisito Umali na kakayanin ng DepEd na sanayin at paghusayin ng mga guro ang nasabing sistema ng pagsusulat, kung oobligahin sila na ipatupad ito sa lahat ng mga pampribado at pampublikong paaralan.

Naniniwala si Umali na marapat lamang na isulong ang Baybayin o ang sinaunang alpabetong Filipino bilang isang natatangi o unique cultural identity ng Pilipinas.

Dapat ding malaman ng lahat ng mga Filipino na ang ating mga ninuno ay mayroon nang sariling kultura, edukado, may sariling alpabeto at sistema ng pagsusulat bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan.

“Naniniwala po ako sa layunin na nilalaman ng nasabing panukalang batas at yan po ay maipaunawa sa sambayanang Filipino na mayroon tayong sariling sistema ng pagsusulat, national writing system na dapat nating unawain, kilalanin, protektahan at i-promote, isulong, having these unique cultural identity”- DepEd Usec Umali

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *