207 na Barangay officials na nasa Narco-List, pinangalanan na ng PDEA

Isinapubliko na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA  ang pangalan ng 207 barangay officials na nasa Narco-list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sa 207 narco-officials, 90 sa mga ito ang Barangay captains habang 117 naman ang Barangay kagawad.

Nangugunana sa may pinakamaraming tiwaling opisyal ang Region 5 na may 70, sumunod ang Cordillera Administrative Region o CAR  na may 34 at ARMM na may 13 opisyal.

Habang 12 sa listahan ay mula sa NCR partikular na sa lugar ng Tondo, Quezon City at Malabon.

Giit ni Aquino, kumpirmado ang pangalan ng mga ito dahil inaral itong maigi ng apat na Law Enforcement Agencies ng pamahalaan.

Bukod naman sa validated list, mayroon pang hiwalay na 274 barangay officials ang nasa listahan din ng PDEA na patuloy pang bineberipika.

Samantala, nakatakda namang magsampa ng kaso ang DILG sa 16 na Barangay na walang Badac o baranggay anti-drug abuse council.

Kabilang sa mga pinangalanang sangkot sa illegal drugs:

  1. Velasquez, Anthony / Brgy. Hulong Duhat, Malabon city

2.  Sharief, Abubakar / Brgy. 384, zone 39 Quiapo, Manila

3.  Collao, Vener / Brgy.780, Zone 85, Sta. Ana, Manila

4.  Tan, Omyr – Barangay 150, Caloocan City

5.  Dungo, Arnel – Brgy., 255, Tondo, Manila

6.  Ortega, Marcelino Aluarte – Barangay 199 Tondo, Manila

7.   Mañalac, Alvin – Barangay Tinajeros, Malabon

8.   Guidotong, Aileen – Barangay 314 Sta. Cruz Manila

9.   Evangelista, Bernardo Morales -Pleasant Hills, Mandaluyong

10.  NCR ex-Barangay Captain

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *