DOH, patuloy na pinag iingat ang publiko sa mga pangunahing sakit ngayong summer season
Prevention is better than cure.
Ito ang patuloy na binibigyang diin ng Department of Health lalo na ngayong summer season.
Ayon sa DOH, kabilang ang sore eyes, diarrhea at sakit sa balat sa mga nangungunang sakit tuwing tag init.
Ngunit ang mga nasabing sakit ay maaari namang maiwasan kung mapananatiling malinis ang kapaligiran at katawan.
Pinapayuhan ng DOH ang publiko na kung nagkaroon na ng sakit sa balat, kumunsulta agad sa duktor at huwag agad magpapahid sa balat ng anumang over the counter medicine na hindi naman inireseta ng duktor gayundin naman kapag nag ka sore eyes.
Sa diarrhea, na madalas makuha kapag sira na ang kinain paalala ng DOH mahalaga ang pagiging maingat sa pagsandok, paghahanda ng pagkain at pagtatago.
Laging gumamit ng serving spoon kapag kukuha ng pagkain, kapag ihahain na muli ang ang pagkain, amuyin muna ito, tingnang mabuti ang hitsura, baka may bula na.
Ulat ni Bel Surara