57 Milyong pisong karadagang pondo para sa formal sector workers sa Boracay, kinakailangan
Nangangailangan ng karagdagang budget ang Department of Labor and Employment o DOLE-Region 6 , para mapondohan ang Boracay emergency employment program o BEEP.
Ang nasabing programa ay naglalayong matulungan ang mga manggagawa sa formal sector na apektado ng closure ng Boracay island.
Ayon kay Atty. Johnson Cañete, Regional Director ng DOLE- Region 6, nasa 57 million pesos na karagdagang pondo ang kanilang kinakailangan para sa implementasyon ng emergency employment program na tataggal ng hanggang tatlong buwan.
Maaari aniyang kunin ang karagdagang budget mula sa disaster fund ng lalawigan sa pamamagitan ng deklarasyon ng State of Calamity sa isla.
Patuloy namang nagsasagawa ng profiling at registration sa mga apektadong empleyado ang DOLE -Region 6 sa pamamagitan ng inter-agency action center na sinet-up sa Boracay at sa Caticlan port.
=================