Deployment ban sa Kuwait, hindi dapat bawiin ng Gobyerno hangga’t hindi inaalis ang Kafala system

 

Hindi pabor si Senador Francis Escudero na bawiin ang ipinatupad na deployment ban sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga kasambahay na Pinoy workers.

Sinabi ni Escudero na kailangang tiyakin muna ng gobyerno na lalagda ang Kuwaiti government sa Memorandum of Agreement o MOA at tatanggalin ang mga maling patakaran at hindi makataong pagtrato sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Partikular na tinukoy ni Escudero ang Kafala o sponsorship system na nagiging dahilan ng pang-aabuso.

Ang Kafala system ay karaniwang umiiral sa mga Arab countries kung saan inoobliga ang mga migrant workers na magkaroon muna ng sponsor bago makapagtrabaho sa Middle East.

Ang mga employer ang karaniwang gumagastos sa visa, pamasahe at working permit ng isang OFW kapalit ng pagkontrol sa isang migrant worker.

Ayon kay Escudero, ito ang dahilan kaya mas maraming OFW ang naabuso at napipilitang tumakas sa kanilang amo.

Iginiit ng Senador na dapat ito ang unahing resolbahin ng gobyerno.

Saludo naman ang Senador sa ginawang rescue operations ng dfa sa mga OFWs na inabuso ng kanilang amo na pagpapakita lamang ng paninindigan na ipaglaban ang karapatan ng mga Filipino.

Senador Chiz Escudero:

“We may have all the best laws in this country to protect the interest of our domestic workers working in different countries in the world but if we still have this Kafala system in different parts of the Middle East, we will not have that kind of protection for our workers”.

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *