Higit 7,000 Pulis ikinalat para sa 51st ADB Annual meeting
Halos 8,000 pulis ang ipinakalat ng Philippine National Police o PNP para bigyang seguridad ang ika-51 Asian Development Bank annual meeting of governors na gaganapin sa Ortigas simula ngayong araw hanggang sa linggo, May 6.
Sinabi ni PNP Chief General Oscar Albayalde, major events security framework ang nakalatag ngayong seguridad na siya ring ginamit sa ginanap na Asean meeting sa Pilipinas.
Babantayan aniya nila mula pagbiyahe ng mga delegado, lugar na pagdadausan ng mga pagpupulong hanggang sa tutuluyan ng mga ito.
Tinatayang 3,000 delegado mula sa 67 mga bansang miyembro ng ADB ang dadalo sa mga aktibidad sa Ortigas.
Bukod sa mga pulis, mayroong ding ikinalat na 1,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at iba pang ahensya ng gobyerno na bumubuo sa Security Task Force ADB Manila 2018.
===============