Pagtulong sa kapwa at paglaban sa kahirapan, pangunahing layunin ng INC Worldwide Walk

Bukas para sa lahat ng ating mga kababayan, miyembro man ng Iglesia ni Cristo o hindi  Worldwide Walk ng Iglesia ni Cristo na gaganapin sa Linggo, May 6.

Sa panayam ng Agila Balita, sinabi ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo, puwedeng sumama ang mga menor de edad maging ang mga Senior citizens basta’t kayang kumpletuhin ang 1.6 kilometrong lalakaran.

Paalala ni Ka Edwil huwag lamang kalilimutang ilagay ang wristband na requirement para makapasok sa itinalagang enclosed area.

Para naman makakuha ng wristband, maaaring pumila sa may harapan ng Cultural Center of the Philippines o CCP, Roxas Boulevard.

Papayagan din ang pagse-selfie o groufie habang naglalakad, paggamit ng payong at pwede ring kumain o uminom habang naglalakad basta’t huwag lang lalabas sa enclosed area.

Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga lalahok na huwag magkakalat o magtatapon ng pinagkainan kung saan-saan.

Pagdating naman sa Finish Line ay mayroong mga nakatalagang drop box upang doon ihulog o ilagay ang inyong mga wristband upang maisama sa pagbibilang.

Ang simula ng pagtitipon sa harapan ng  wristband distribution gates sa may CCP ay 4:00 AM at ang simula naman ng paglalakad ay 6:00 AM.

Ipinalinawag ni Ka Edwil na ang mahalagang okasyon na ito ay ginagawa ng mga miyembro ng INC upang labanan ang kahirapan at bilang pagsunod na rin sa utos ng Diyos na ibigin at tulungan ang mga taong nangangailangan .

“Tayo po na mga kaanib sa INC ay gagawin natin ang bahagi natin. Bilang pagtupad sa utos ng Diyos na nasa Biblia…Ibigin natin ang ating kapwa, gaya ng pag-ibig natin sa sarili natin. Damayan natin yung nangangailangan. Tayo ay nananawagan sa mga makakabalita, makakapanuod nitong aktibidad na ito na kung dati na ninyong ginagawa ang pagtulong at pagmamalasakit sa tao, ituloy nyo, wag nating pagsawaan, ang Diyos na ang bahalang magsukli sa kagandahang loob natin. At kung hindi nyo pa nagagawa ito ay mag-isip din sila para pagmalasakitan din yung mga kapwa nating mahihirap hidni lang sa kapwa nating Filipino kundi sa buong mundo pagkat ang kahirapan ay isang  worldwide phenomena”.

Binigyang-diin din ni Ka Edwil na hindi lamang ang kontinente ng Africa ang tinutulungan ng Iglesia ni Cristo kundi lahat ng mga taong naghihirap sa buong mundo

Halimbawa aniya nito ay ang ginanap na Worldwide Walk ng INC noong 2014 kung saan nakapagtayo na ng Ressettlement site at  Eco-farming ang INC sa Barangay Langit, Alang-Alang, Leyte province para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Ngayong Worldwide Walk sa May 6 ay abangan aniya ang tulong na gagawin ng Iglesia ni Cristo para sa mga taga-Africa.

Kami po ay nag-aanyaya, hindi lamang ito para sa mga INC members kundi bukas ito para sa sinumang nais makipagkaisa ay pwede kayong magpunta. Hindi naman kailangang naka-T-shirt kayo ng Worldwide Walk. Ituturo po sa inyo yung mga proseso na gagawin at sumama lang kayo dahil para na rin nating isinigaw sa buong mundo na tayo ay marunong magmalasakit sa ating kapwa”.

 

 

 

 

 

 

 

Si Brother Edwil Zabala

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *