Pagkakaisa ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa isinasagawang Worldwide Walk, hinangaan
Hinangaan ni Senador JV Ejercito ang kaisahan ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Worldwide Walk to Fight Poverty na isinasagawa ngayon sa Quirino Grandstand sa Pasay City.
Ayon kay Ejercito, hindi ramdam ang pagod sa naturang event dahil sa dami ng mga nakiisa sa naturang aktibidad.
Bumilib din si Ejercito sa maayos na pag-oorganisa ng malaking event ng mga kaanib sa INC na ang pangunahing layunin ay ang malingap ang mga kababayang Filipino.
Senador JV:
“Well maganda nagkakaroon ng consciousness, syempre pag ganitong karami ang tao talagang mapapansin at mapapansin. Maganda rin dun iba yung pakiramdam ng nagkakaisa. Ako nga naka-dalawang lakad na ko dito pero hindi ko nararamdaman yung pagod, dahil pag kasama mo yung mga kababayan mo, nagkaka-batian kayo eh hindi momapapansin yung pagod eh”.
Samantala, hinimok naman ni Special Assistant to the President Bong Go ang publiko na makilahok sa isinasagawang Worldwide Walk ng INC sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Go, malaking tulong ang naturang aktibidad ng INC na naglalayong makatulong sa ating mga kababayan.
Umaasa si Go na marami pang ikasang charity event na isagawa hindi lamang ng mga kaanib sa INC kundi maging ang ibang lokal na pamahalaan para matulungan ang mga mahihirap nating kababayan.
Secretary Bong Go:
“Nakakatuwa na mga kapatid nating INC ay nagkakaisang labanan ang poverty. Sa survey 1 out of 3 ay naiahon na sa kahirapan. Sana magtuluy-tuloy po itong ginagawang sebisyo ng INC dahil malaking bagay po. Sana mga LGU at mga ibang relihiyon ay magkaisa po tayo para labanan ang kahirapan”.
Ulat ni Meanne Corvera