Katatagan ng ekonomiya, kooperasyon at seguridad ng Australia at Pilipinas, mas palalakasin pa
Mas paiigtingin pa ng Australia ang pakikipag ugnayan nito sa Pilipinas para pangalagaan ang kalagayan ng ekonomiya at kooperasyon nito para mapatatag pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Ito ang isa sa mga dahilan kung kaya nananatili na pinatitibay ng Australia ang pakikipag-ugnayan at malakas na pakikipagkaibigan nito sa Pilipinas ay para mapanatili ang katatagan ng ekonomiya at kooperasyon nito pagdating sa seguridad ng dalawang bansa, lalo na nung magkaroon ng Marawi siege.
Ayon kay Australian Ambassador Amanda Gorely, ito rin ang dahilan kung kaya mas pinaigting pa ng australia ang pagtulong sa mga sundalong Pinoy at nagkaloob ng dalawang surveillance plane at nagsagawa ng combat training para sa mga sundalong Pilipino.
Nais din matiyak ng Australia na matutugunan ng kanilang bansa ang pagtulong para mai angat ang ekonomiya ng Pilipinas.
Kinilala rin ni Ambassador Gorely ang naging kontribution ng INC sa kanilang bansa partikular na ang ginagawang pagtulong ng mga kaanib nito sa mga taga Australia kapag nagdaranas ng kalamidad sa naturang bansa.
Hinahangaan din ni Ambassador Gorely ang mga kapilya na ipinatatayo ng INC sa Australia na nagsisilbi na ngayong mga landmarks sa naturang bansa.
Ayon pa kay Gorely, pinatatag din ng Australia ang kauganyan nito sa Asean para tulungan ang mga bansa sa rehiyon para tumatatag ang pundasyon nito para magkaroon ng kakayahang makipagsabayan sa iba pang mga malalaking ekonomiya sa buong mundo.
Ulat ni Jet Hilario