Quo warranto case laban kay Sereno, maari pa ring isulong kahit limang taon na ito sa pwesto

Naniniwala ang isang retiradong Supreme Court Justice na pwede pa ring isulong ang quo warranto case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit mahigit limang taon na ito sa posisyon.

Ito ang iginiit ni dating SC Justice at dating Solicitor General Eduardo Nachura taliwas sa pananaw ng ilang legal experts na dapat mabasura ang quo warranto case laban kay Sereno dahil ito raw ay dapat na inihain sa loob ng isang taon magmula nang siya ay maupo bilang Punong Mahistrado.

Sinabi ni Nachura hindi iiral ang prescriptive period o anomang statute of limitation sa quo warranto na inihain ng OSG alinsunod na rin sa mga naunang desisyon ng Supreme Court partikular sa kaso ng Agcaoili versus Suguitan.

Tinukoy ni Nachura na iginiit sa mga naunang desisyon ng SC at ng mga special law na ang pagbibilang ng prescriptive period ay magsisimula sa panahon na nangyari ang krimen o kung ang krimen ay naitago, magsisimula ito kung kailan nadiskubre ang krimen.

Dahil nabatid lang anya sa impeachment hearing ng Kamara ngayong taon ang kabiguan ni Sereno na magsumite ng SALN ay doon pa lang magsisimula ang paggulong ng prescriptive period.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *