Mga barangay na hindi nagtatag ng BADAC, kakasuhan ng administratibo- DILG
Karapatan pa ring malaman ng taumbayan kung sinu-sinong barangay officials ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Ito ang binigyang-diin ni Interior and Local Government Assistant Secretary Epimaco Densing sa paglalabas ng PDEA ng second batch ng Narco list ng mga barangay officials.
Sinabi ni Densing na nasa taumbayan na ang pagdedesisyon kung karapat-dapat pa bang iboto ang napipisil nilang kandidato na kabilang sa Narco List.
Wala aniya ito sa panahon kundi ang mahalaga ay maipalabas ito sa publiko.
“Imo-monitor ho natin itong mga nasa narcolist na tumatakbo as re-electionist o kung tumatakbo man kung sino ang mananalo. Dun natin makikita kung saan naniniwala ang taumbayan, dun ba sa listahan o yung mga matatamis na salita ng mga pulitiko dito sa halalang pam-barangay”.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Densing na kakasuhan nila ng administratibo ang mga Barangay officials na kinukunsinti pa ang pagkalat ng iligal na droga sa kanilang mga barangay.
Sa katunayan, 16 na Barangay na hindi nagtatag ng Barangay anti-drug abuse council o Badac ang kinasuhan na ng DILG dahil ito ay Neglect of Duty.
=============