MOA para sa proteksyon ng mga OFWs sa Kuwait, lalagdaan na bukas, May 11
Nasa Kuwait na ang grupo ni Labor secretary Silvestre Bello III para sa inaasahang pirmahan ng Memorandum of Agreement para sa proteksiyon ng mga Overseas Filipino workers o OFWs.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na kasama din sa Kuwait, inaasahang magkaka-pirmahan bukas, May 11, matapos ang pakikipagpulong sa Kuwaiti Interior Ministry
Umaasa aniya ang pamahalaan na babalik na sa normal ang relasyon ng dalawang bansa.
Nagpahayag naman ang Kuwait ng pagpapahalaga nito sa mga Filipinong nandoon.
Pumayag din ang Kuwait sa pagbuo ng special unit sa kanilang pulisya na puwedeng makatulong sa Philippine Embassy sa pagtugon sa reklamo ng mga Filipino roon.
Napagkasunduan din ang pagpapalaya sa apat na driver na nakulong dahil sa kontrobersyal na pag rescue sa ilang OFW sa Kuwait.
===============