Beach sa Japan, gawa sa makukulay na Recycled glass
Hindi gaya ng pamosong glass beach sa California o ng isa pang glass beach sa Ussuri Bay o Pacific shoreline sa Russia kung saan natural ang sharp glass at porcelain shards, ang makukulay na glass grains sa beach na ito na walang pangalan na nasa Omura city, Japan ay ni-recycle o man-made.
Ang magandang glass beach na ito ng japan ay tila isang natatagong hiyas ng Nagasaki prefecture.
Sa Malayuan kasi ang bahaging ito ng Morizono park ay parang isang ordinaryong beach lamang, kung saan puwede mong malasin ang napakagandang view ng Omura bay.
Subalit habang ikaw ay papalapit, ay mapapansin na ang kumikinang na buhangin na hindi naman talaga buhangin kundi pinong pino at bilugang piraso ng multicolored glass.
Sa nakalipas na ilang taon, ang naturang beach ay malimit na mapuno ng mga algae sa panahon ng tag-init, na pinagmumulan ng hindi magandang amoy kapag nagsimula nang mabulok.
Kaya ginawan ito ng paraan ng mga lokal na awtoridad kung saan pinuno nila ang beach ng pulverized recycled glass para hindi na muling tumubo doon ang mga algae.
Tagumpay naman ang naisip na solusyon ng mga kinauukulan, dahil ang kamangha-manghang man-made glass beach na ito ng Omura city, ay unti-unti nang nagiging isang atraksyon sa Japan.
=================