Coalition for Justice, muling sumugod sa Senado
Sumugod sa Senado ang mga miyembro ng Coalition for Justice para igiit ang kanilang karapatan sa Impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Tess Bonganay ng Coalition of Justice at miyembro ng Silent majority, dapat magkaroon ng paninindigan ang Senado at hindi dapat magpadikta sa Korte Suprema na co- equal branch sa gobyerno.
Iginiit ng grupo na gaya ni dating Chief Justice Renato Corona, dapat mabigyan rin ng due process at pagkakataon si Sereno na litisin sa Impeachment court at makapagpisinta ng mga ebidensya sa mga alegasyon laban dito.
Nanindigan ang grupo na iligal ang pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng Quo Warranto dahil si Sereno ay isang Impeachable official at ang Senado bilang Impeachment court ang dapat magdesisyon laban sa kanya.
Ulat ni Meanne Corvera