Total deployment ban sa Kuwait, binawi na ni Pangulong Duterte

 

Tuluyan nang  tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total Deployment ban sa Kuwait.

Ito ay  kasunod ng kasunduan ng Pilipinas at Kuwait ukol sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Worker.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa rekomendasyon ni special envoy to Kuwait Abdullah Mama-o, inutusan ng Pangulo si DOLE Secretary Silvestre bello III na tanggalin na ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga OFW  sa Kuwait.

Ang hakbang ng Gobyerno ng Pilipinas ay kasunod ng anunsyo sa unang pagtanggal ng deployment ban sa mga Skilled at Semi-Skilled Pinoy workers sa Kuwait.

Pebrero nitong taon nang ipatupad ng Pangulo ang Total deployment ban sa mga newly-hired OFW sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pag-abuso kabilang ang natagpuan sa freezer na si Joanna Demafelis.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *