Mahigit 2 milyong pisong halaga ng Marijuana at Shabu nasabat sa Cainta, Rizal

Nasabat ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 4-A at PNP Region 4-A ang aabot sa higit 2 milyong piso halaga ng marijuana at shabu sa Cainta, Rizal kaninang madaling araw

Arestado ang dalawang katao na kinilalang si Laika Camille San Pedro at kasamahan nitong si Maria Cecia Bayron.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 250 grams ng isang plastic ng shabu na aabot sa  1 million 250,000 pesos at isang kilong imported marijuana o tinatawag na kush nagkakahalaga ng 1 million 500,000 pesos.

Imported ang mga nasabing shabu at marijuana dahil galing pa ito ng ibang bansa sa pamamagitan ng parcels ang mga receiver ng mga parcels ay gumagamit din ng ibat ibang mga pangalan.

Ayon kay Calabarzon PNP Regional Director Guillermo Eleazar posibleng konektado ang mga suspect sa mga sinusuplayan ng mga shabu sa iba’t -ibang lugar sa Metro Manila.

Todo tanggi naman ang mga suspect na sa kanila ang mga nasabat na bulto bultong shabu at marijuana anila pinadeliver lamang sa kanila ang mga ito at hindi nila alam na marijuana at shabu ang laman ng mga ito.

Samantala nakatakda namang makasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspect at patuloy namang aalamin ng mga otoridad ang pinagmulan ng mga illegal na shabu at marijuana.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *