Tulong ng mga dayuhan kakailanganin ng bansa para sa Full exploration sa Philippine Rise- DENR
Aminado ang Department of Environment and Natural Resources o DENR na hindi pa kakayanin ng Pilipinas sa ngayon ang magsagawa ng full exploration sa 24 milyong ektaryang Philippine Rise.
Dahil dito, hindi inaalis ni DENR undersecretary Jonas Leones ang posibilidad na kailanganin ang tulong ng mga dayuhan para maisagawa ang Total exploration sa nasabing yamang-dagat.
Pero ito ay pag-aaralan pa ng ahensya lalu na ang pagpapatupad ng mga parametro at guidelines upang matiyak na ang benepisyo ay mapupunta sa bansa at hindi sa ibang nasyon.
“Pag nag-e-evaluate tayo ng whether to allow ang exploration ng mga foreigners yan, pag-aaralan yan ng ating National Security Council, BFAR, DFA at DENR at titingnan natin talaga na it can really benefit the country. Lahat ng mga findings nila ay para lang sa atin ok lang naman, pero yung ibagn bansa na may mga agenda, yun ang iiwasan natin”.
Matatandaang kahapon, nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine rise para pangunahan ang paglalagay ng kauna-unahang boya o floating marker doon.
Gayundin ang paglulubog ng flag marker sa pinakamababaw na bahagi ng Benham bank.
================