Malakanyang dumistansiya sa Senate resolution na humihiling sa Korte Suprema na pag-aralan ang desisyon sa Quo Warranto na nagpatalsik kay Chief Justice Sereno
Ayaw makisangkot ng Malakanyang sa Senate resolution na humihiling sa Korte Suprema na pag-aralan muli ang desisyon sa Quo Warrranto na nagpatalsik sa puwesto kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque ang usapin ay sa pagitan ng lehislatura at hudikatura kaya bilang pagkilala sa kalayaan ng kapantay na sangay ng Gobyerno hindi makikialam ang ehekutibo.
Ayon kay Roque bahala ang Senado at Korte Suprema na mag-usap kung papaano resolbahin ang apela ng labing apat na senador sa kaso ni Sereno.
Naglabas ng resolusyon ang Senado na pirmado ng 14 na Senador na nagigiit na Senado bilang Impeachment court ang may karapatan na humatol kay Sereno dahil ang posisyon na Chief Justice ay isang Impeachable position.
Ulat ni Vic Somintac