Presyo ng School supplies patuloy sa pagtaas ilang linggo bago ang pasukan

Patuloy sa  pagtaas ang presyo ng school supplies ilang linggo bago ang pasukan.

Sinabi ng  Department of Trade and Industry o DTI  na mula pa noong Oktubre ay tumaas na ng piso hanggang tatlong  piso ang presyo ng mga de papel na school supplies.

Bunga ito ng pagmahal ng raw materials at paggalaw ng piso kontra dolyar.

Kasabay nito, inilabas na ng DTI ang suggested retail price sa mga gamit pang- eskuwela upang magabayan ang mga magulang sa kanilang pamimili.

Mabibili ang 80 pages composition notebook ng 12 pesos hangang 17 pesos, pad paper -6 pesos hanggang 11 pesos, intermediate pad paper- 12.20 hanggang 32.75 pesos.

Ang lapis na three pack sets ay 12 hanggang 37.50 pesos habang ang three pack ng ballpen ay 12 hanggang 32.75 pesos.

Ang walong pirasong crayola ay 12 pesos habang ang 24 pieces ay mabibili sa p32 hanggang 49.25 pesos.

Para sa kumpletong listahan ng srp sa mga school supplies ay mag-log in sa www.dti.gov.ph gabay school supplies srp.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *