Panuntunan para sa Assistance program ng mga naapektuhang manggagawa sa Boracay inilabas na ng DOLE
Nagtakda na ang DOLE ng mga panuntunan para sa implementasyon ng assistance program para sa mga manggagawang naapektuhan ng rehabilitasyon ng Boracay.
Ang Boracay Emergency Employment Program – Adjustment Measures Program (BEEP AMP) ay safety net program na magkakaloob ng financial support, employment facilitation at training para sa mga formal sector workers na apektado ng Boracay closure.
Ang mga nasabing manggagawa ay pagkakalooban ng tulong pinansyal na katumbas ng 50 porsyento ng minimum wage sa Region 6 o 4,205 pesos kada buwan sa loob ng anim na buwan.
Para sa mga retained workers na di nakakatanggap na regular na sahod, ang financial support ay 25 percent ng minimun wage sa rehiyon o nasa 2102 pesos.
Sa ilalim ng employment facilitation, iri-refer naman ng DOLE Regional Office ang mga benepisyaryo sa pinakamalapit na Public Employment Service Office.
Mabibigyan ng access ang mga apektadong manggagawa sa mga available job opportunities base sa kanilang kwalipikasyon sa pamamagutan ng joc matching, referral at placement services.
Ang mga interesadong aplikante ay maaring magsumite ng BEEP AMP application form at iba pang requirement sa DOLE Regional Office 6.
Ulat ni Moira Encina