200 bahay nasunog sa Brgy. Vasra, Quezon City

Aabot sa 200 kabahayan sa Sitio Palanas St. Barangay Vasra North Avenue Quezon City kagabi.

Kaagad na inakyat sa ikalimang alarma ang sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa lugar…

At dahil sa likuran lamang ito ng Department of Agriculture pati ang mga empleyado sa ahensya ay pinalabas muna ng gusali.

Ayon kay Senior Fire Supt. Manuel Manuel karamihan sa mga tahanan sa lugar ay gawa sa kahoy kaya ang mga bumbero na rumesponde nahirapan sa pag aapula ng apoy.

Ilan naman sa mga residente ay mangiyak iyak dahil wala halos naisalba mga kagamitan maliban nalang sa iilang pirasong damit at mga appliances.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Rodney Pedrogosa na nagmula sa 3rd floor.

Limang katao naman ang sugatan kabilang na ang isang fire volunteer.

Mag aalas-ocho na kagabi ng maideklarang fire out ang sunog.

Sa pagtataya ng BFP, aabot sa 500,000 piso ang halaga ng pinsala ng sunog sa lugar.

300 pamilya naman ang naapektuhan ng sunog.

Iginigiit  ng mga residente na sinadya ang panunog sa lugar at mariin naman itong pinabulaanan ng Quezon City Public Information Office.

Pansamantalang nanunuluyan na sa mga itinalagang evacuation centers ang mga nawalan ng tahanan.

Patuloy pa ang  imbestigasyon sa nangyaring insidente.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *