12 Milyong mga Pinoy, may mataas na Blood pressure…Stress sa trabaho, isa sa mga dahilan ng pagiging Hypertensive

 

 

Sa patuloy na pagunita ng  buwan ng Mayo bilang Hypertension month, muling binigyang diin ng mga Cardiologist mula sa Philippine Heart Association o PHA, –na kailangang pangalagaan ang puso lalung-lalo na ng mga may hypertension.

Batay sa datos ng Department of Health o DOH, kalahati sa 12 milyong mga Filipinong mataas ang blood pressure ay walang kamalayan o hindi alam ang kanilang kundisyon.

Nalalaman na lamang nila umano na sila ay Hypertensive o high blood kapag lumitaw na ang sintomas  na nasa life  threatening stage  o mapanganib na.

Halos lahat ng mga sintomas ng pagkakaroon ng mataas na blood pressure ay nako control, isa lamang ang hindi at ito ay ang stress.

Sinabi ni Dr. Nanette R. Rey, isang Cardiologist, at incoming President ng PHA, may kaugnayan ang stress sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng isang tao, lalong lalo na sa kanyang trabaho.

Dr. Nanette R. Rey, incoming President, PHA

“And there are other things that can not be controlled…like for example…stress at work…hindi naman nawawala yan eh…the stress at work -ma –stress ka ng five times—was there….the stress at work is always there —so hindi naman natin pwedeng sabihin sa pasyenteng mag resign ka na lang po sa trabaho mo—lumipat ka ng ibang trabaho – it’s not so easy to find other job.”

Payo ni Dr. Rey sa mga hypertensive, huwag kaliligtaang inumin ang  gamot sa pagkontrol ng high blood pressure at  i practice lagi ang healthy life style na patuloy na isinusulong ng PHA.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *