Lalaking bulag sa India na nakapagtayo ng sarili niyang kumpanya

Tinitingala at hinahangaan si Srikanth Bolla dahil kahit ito ay bulag nakapagtayo ito ng sarili niyang kumpanya sa edad na 23 years old na nagkakahalaga ng mahigit sa 7.5 milyon US Dollars.

Si Srikanth ang CEO ng Bollant industries, isang kumpanya na gumagawa ng consumer packaging solutions mula sa dahon at recycled materials kung saan ang mga empleyado nito ay may mga kapansanan.

Meron itong apat na manufacturing units sa tatlong states sa Southern India.

Dahil sa tagumpay na ito ni Srikanth ay napabilib nito ang mga personalidad sa business world at nagawa nitong makapag-invest sa kaniyang kumpanya  ang business tycoon ng india na si Ratan Tata.

Ayon kay Srikanth ang lahat ng kanyang tagumpay ay bunga ng kaniyang pagsisikap at pagtitiyaga sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at guro lalo na ng kaniyang mga magulang na hindi sumuko at nagtiwala sa kaniya sa kabila ng kaniyang kapansanan.

 

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *