Apat katao ang patay sa magkahiwalay na Police operation sa Quezon City sa magdamag

Patay sa isinagawang Police operation ang dalawang holdaper matapos na makipag-habulan at maka-engkwentro ng mga otoridad sa Kalinisan St. cor Masbate st. Batasan, Quezon City kagabi.

Kinilala ang dalawang suspek sa mga alyas na tangkad at kulot.

Sa naging inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, hinoldap ng dalawa ang isang burger store kung saan tinangay ng mga ito ang salapi at gamit ng mga customer.

Matapos malaman ng mga otoridad ang nasabing insidente, kaagad nagsagawa ng follow up operation ang at hinabol  ang mga suspek na nauwi naman sa engkwentro na nag resulta sa pagkasugat ng isang pulis.

Kinakabahan pa ang dalawa sa mga biktima ng holdap nang humarap at ikinuwento sa media ang kanilang ginawa sa kanila ng mga suspect.

Tinutukan pa raw sila ng baril ng mga suspect bago makuha ang kanilang mga kagamitan.

Ayon kay Police Senior/Supt. Rolando Ylagan, Deputy District Director Operation , QCPD Station-6 kaagad nilang natukoy na notorious at sangkot ang mga suspect  sa ilegal na pagtutulak din ng  droga.

Natuklasan rin na ang ginamit na motorsiklong get-away vehicle ng mga suspect ay napag alaman din na galing sa nakaw.

Narekober sa mga suspect ang isang kalibre 38 baril, isang kalibre 45 baril, dalawang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit na ninakaw ng mga suspect at mga Drug Pharapernalias.

Narekober naman sa crime scene ang siyam na basyo ng bala.

Samantala,  binulabog naman ng magkakasunod na putok ng baril ang mga residente ng Barangay Greater Fairview, Quezon City kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga naging ka-transaksyon ng dalawang nagpanggap na buyer ng pulis na sila alias Macmac at Ryan.

Nang matunugan na ang mga suspect, pulis pala kanilang ka-transaksyon, dito na nagsimula ang putukan.

Sa lakas ng pagkakabaril napaupo pa ang isa sa mga pulis at mabuti na lamang ay nakasuot ito ng bullet proof vest.

Dito na pinagtutugis ng mga pulis ang mga suspek na na-corner  sa bahagi ng Regalado st. malapit sa lugar.

Ayon kay Police Supt. Benjamin Gabriel, Hepe ng QCPD Station 5.

Bukod sa pagbebenta ng droga, sangkot rin ang mga suspect sa robbery at holdap.

Lumilinya rin ng holdap ang mga suspect pati na rin robbery bukod pa sa pag bebenta ng mga droga.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *