DOT Secretary Berna Romulo-Puyat, lusot na sa Commission on Appointments

Walang kahirap-hirap na lumusot sa Commission on Appointments o CA si Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat.

Halos sampung minuto lang na sumalang si Puyat sa CA dahil
matapos ang kaniyang opening statement agad naghain ng mosyon si Senador Zubiri na aprubahan na ang appointment ng kalihim na sinuportahan ni Senador Cynthia Villar.

Bukas isasalang sa plenaryo ang kumpirmasyon ni Puyat at iba pang opisyal.

Kinabibilangan ito nina Socorro Balinghasay, Commissioner ng Comelec, Secretary John Rualo Castriciones ng Department of Agrarian Reform o DAR at dalawang embahador na sina Sulpicio Confiado ng Egypt at Akmad Sakkam, Embahador sa Jordan.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *