Dating Budget secretary Butch Abad at dating Health Secretary Janet Garin, posibleng maharap sa panibagong kaso dahil sa panibagong anumalya sa DOH
Posibleng maharap umano sa panibagong kaso sina dating Budget secretary Butch Abad at dating Health secretary Janet Garin dahil sa panibagong anomalya sa Department of Health o DOH.
Ito’y matapos mabunyag sa pagdinig ng Senado na dinivert ng Philhealth ang pondo ng mga senior citizens para naman sa mga Rural Health centers ng DOH.
Sa dokumentong isinumite ng Philheath, noong August 5, 2015, sumulat sina Garin at Philhealth President Alex Padilla kay Abad para hilingin na mai-transfer ang 10.6 billion na pondo ng Philhealth sa programa ng
DOH.
Ang pondo ay nakalaan sana sa expanded Senior citizens act o benepisyo para sa mga senior citizens.
Inilabas ang pondo noong December 2015 nang walang approval ng Philheath board.
Ang paglalabas ng pondo ay nasabay rin sa pagpapalabas ng pondo ng DOH para naman sa pagbili ng Dengue vaccine na Dengvaxia ng Aquino
administration.
Ayon kay Health secretary Francisco Duque III, malinaw na may nangyaring anomalya dahil sa target na 3,200 na mga Rural health centers na dapat itinayo gamit ang pondo, 217 lang sa mga ito ang natapos.
DOH Sec. Duque:
“Actually napunta sa benefit payments ngayon kung ba yung benefit na ibinayad sa mga hospital eh legitimate yun ang kailangan maging subject of investigation kasi ay ah ang lumabas eh yung ina-appropriate”.
Naniniwala naman si Senador JV Ejercito, chairman ng Senate committee on Health, ito ang dahilan kaya nalugi ngayon ang Philhealth at hindi mabayaran ang hospital bills ng mga miyembro nito sa mga pribadong
ospital.
Senador JV Ejercito:
“Kasi reserved funds na, savings na ata ito kaya nga nasa miscellaneous and personnel benefit fund kumbaga ibang- iba ito sa paggamitan, very basic yan kung ano ang inaprubahan sa gaa dapat du lang gagamitin. Ang pinakamabigat dito double whammy mabigat na nga ang problema natin sa inflation ang kawawa dito mga senior citizen although napondohan un ng philhealth pero kumain un sa reserved funds”.
Ulat ni Meanne Corvera