Mga artista at pulitika na kliyente ng naarestong dayuhang Drug dealer, pinaaalisan ng Malakanyang ng maskara sa PDEA

Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagbubulgar sa pangalan ng mga artista at politikong parukyano ng naarestong Indian national na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na bahala na ang PDEA na pangalanan ang mga sikat na personalidad na sangot sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay Roque nasa proseso na ng berepikasyon ang PDEA sa pagkakakilanlan sa mga artista at politikong katransakyon ng naarestong suspek na si Rajib Gidwani na isang Indian national.

Si Gidwani kasama ang pinoy na si Jeremiah Alero Carillo ay naarestong ng mga operatiba ng PDEA sa Alabang Hills village sa lungsod ng Muntinlupa.

Nakuha ng PDEA ang cellphone ng suspek at doon nakita ang pangalan ng mga artista at politikong pinaghihinalaang sangot sa paggamit ng iligal na droga.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *