Law students mula sa Bicol, umapila sa PET na ipatupad ang 25% threshold sa Manual recount ng mga boto sa 2016 Vice-Presidential race

Nakakuha ng kakampi sa ilang law students mula sa Bicol si Vice-president Leni Robredo para ipatupad ng Presidential Electoral Tribunal ang 25% threshold na shading sa balota sa isinasagawang manual recount ng mga boto sa 2016 Vice-Presidential elections.

Sa liham na isinumite ng mga law students sa PET, umapela ang mga ito na ituring na valid votes ang 25% shade sa balota sa ginagawang manu-manong bilangan ng mga boto sa pagka-bise presidente sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos.

Magdudulot anila ng malaking disenfranchisement ng boto sa parehong partido kung gagamitin ng PET sa recount ang 50% shade sa balota.

Iginiit nila na itinakda ng Comelec ang vote counting machines noong 2016 election para basahin bilang valid votes ang 25% shading sa balota.

Dahil dito ay wala anilang makatwirang dahilan ang PET para gumamit ng ibang threshold sa kalagitnaan ng recount.

Nakalagda sa sulat ang may 130 Law students.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *