PNR, bumili ng pitong tren mula Indonesia
Bumili pa ng karagdagang pitong tren mula sa indonesia ang Philippine National Railways o PNR.
Pinasok ng PNR ang dalawang kontrata kasama ang Government-owned Company na PT Industri Kereta Api (PT Inka) ng Indonesia para sa tatlong Diesel Hydraulic Locomotive (DHL) Trains at apat na Diesel multiple unit (DMU).
Nagkakahalaga ang mga tren ng 2.37 bilyong piso at inaasahang maidedeliver sa bansa sa pagitan ng December 2019 at January 2020.
Ang bawat DHL ay may contract price na p1.306 bilyon kada isa, may limang bagon kada set at kayang magsakay ng 1,330 na pasahero kada biyahe.
Ang DMU naman na mas mura ng kaunti ay may contract price na 1.071 bilyong piso kada isa, at may apat na bagon at kayang magsakay ng 1,090 pasahero kada biyahe.
=============