Tag-ulan posibleng magsimula na sa pagitan ng June 4-14

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang Inter-tropical convergenze zone o (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa posibilidad na pamumuo ng isang sama ng panahon sa loob ng naturang weather system.

Dahil sa ITCZ,  makararanas ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ngayong araw ang mga nabanggit na lugar.

Pinayuhan ng weather bureau ang publiko na patuloy na magmonitor sa kanilang weather updates.

Samantalang sa natitirang bahagi naman ng bansa partikular sa Luzon ay inaasahan ang mainit na panahon.

Inaasahang papalo ang maximum temperature sa Tuguegarao city sa 39 degrees celsius at 34 degrees celsius naman sa Metro Manila.

Para sa weather outlook ng Pagasa sa Hunyo , inaasahang papasok ang isa hanggang dalawang bagyo at kadalasang tumatawid ito sa bandang Luzon o Visayas area sa naturang buwan.

Samantala, posible nang  magsimula ang rainy season sa pagitan ng June 4 hanggang June 14.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *