Price adjustment ng mga kumpanya ng langis sa bansa pinatutukan ng Malakanyang sa DOE
Pinahihigpitan ng Malakanyang sa Department of Energy o DOE ang ginagawang price adjustment ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Energy spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella na tinututukan ng DOE ang stock ng mga kumpanya ng langis.
Ayon kay Fuentebella dapat mayroong 15 days hanggang 30 days na stock ang mga kumpanya ng langis na dito ibinabatay ang price adjustment kung gumagalaw ang presyo sa world market.
Inihayag ni Fuentebella na on-going na ang negosasyon ng Pilipinas sa Russia para sa aangkating krudo na higit na mas mura kumpara sa nagmumula sa Gitnang Silangan na miyembro ng OPEC.
Niliwanag ng DOE na ang pagbili ng langis sa mga non-OPEC countries ay makakatulong para maibaba ang local price ng mga petroleum products sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac