Pagpapatibay ng supplemental budget para sa mga Dengvaxia victims, ipupursige ng mga Senador sa pagbabalik ng sesyon sa Hulyo
Tiniyak ng mga Senador na isusulong nila sa pagbabalik ng sesyon ang
pagpapatibay sa supplemental budget para sa mga biktima ng Dengvaxia.
Sa harap ito ng pangamba ng pamilya ng mga biktima na tuluyang maglaho
ang ayuda ng gobyerno matapos hndi maihabol ng Kongreso ang
supplemental budget na nagkakahalaga ng 1.16 billion pesos.
Kapwa nadismaya sina Senador Loren Legarda at JV Ejercito na hindi
naihabol ang budget para dito dahil lamang sa isyu ng Quorum.
Senador JV:
“I am very dismayed that the Senate failed to approve the measure I
introduced appropriating 1.16 billion pesos for 2018 intended for the
protection and welfare of children who received Dengvaxia vaccines”.
Iginiit naman ni Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance na
handa nyang i-endorso sa plenaryo ang supplemental budget pero
wala aniya syang magagagawa kung nag-adjourn dahil walang quorum.
Hindi aniya maaring talakayin ang anumang panukala o agenda sa
plenaryo kung walang quorum.
Pero pagtiyak ng Senador, ang pondo para sa dengvaxia ang uunahin nila
sa agenda sa pagbabalik ng sesyon pagkatapos ng State of the Nation Address ng pangulo.
Senador Legarda:
“I guarantee that we will take this up as the first agenda when we resume our session after the State of the Nation Address in July”.
Ulat ni Meanne Corvera