Maayos na pagbubukas ng klase pinuri ng Malakanyang
Ikinatuwa ng Malakanyang ang maayos na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maganda ang ginawang paghahanda ng Department of o deped katulong ang Philippine National Police o PNP.
Ayon kay Roque bagamat mayroong mga problema tulad ng kakulangan sa mga silid aralan naging matagumpay ang pagbubukas ng klase.
Inihayag ni Roque sa sandaling maipatupad ang TRAIN 2 mabibiyayaan na rin ang mga guro sa pamamagitan ng pagtataas sa kanilang buwanang suweldo.
Tinatayang nasa mahigit 27 milyong estudyante sa elementary at high school ang nagbalik eskuwela ngayong school year 2018-2019.
Ulat ni Vic Somintac