LPA na binabantayan ng PAGASA, isa ng bagyo, pinangalanang Domeng
Ganap ng bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng PAGASA na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone.
Pinangalanang Domeng ang tropical depression na huling namataan sa 675 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometer per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometer per hour.
Kumikilos ang bagyong Domeng sa direksyong North Northwest sa bilis na 14 kilometer per hour.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Domeng ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Davao Regions.
Hindi naman ito inaasahang magla-landfall subalit maari itong makapagdulot ng paglakas ng southwesterly windflow na magpapaulan sa ng malakas sa western sections ng Luzon at Visayas sa weekend.
Samantala isa pang LPA ang minomonitor ngayon ng PAGASA na huling namataan sa 1,193 kilometers sa silangan ng Luzon.