Bidding para sa mga gagamiting thermal paper, baterya at SD card para sa 2019 Elections binuksan na ng Comelec
Naghahanap na ang Commission on Elections o Comelec ng mga supplier para sa SD card, thermal paper at baterya na gagamitin sa 2019 Midterm Elections.
Binuksan na ng Comele ang bidding para sa pag-upa ng mahigit 97,000 external battery na gagamitin sa mga biniling vote counting machines mula sa Smartmatic.
Batay sa invitation to bid ng COMELEC, 175 million pesos ang inilaan ng Poll body para sa uupahang baterya.
Itinakda ang pagsusumite ng Bidding documents hanggang July 2, 2018.
Bukod sa baterya, binuksan na rin ang bidding para sa mahigit 104 thousand SD card at kaparehong bilang ng mga WORM SD card na may kabuuang budget na 167.5 million pesos.
Maaring magsumite ng bid documents ang mga interesadong bidder hanggang June 11, 2018.
Naghahanap na rin ang Comelec ng supplier para sa mahigit isang milyong suplay ng thermal paper na may pondo na 117.4 million pesos.
Ang deadline para sa pagsusumite ng bid documents ay hanggang sa July 2, 2018.
Ulat ni Moira Encina